Wednesday, 13 July 2011

Ang Mga Natatandaan Ko Noon Kapag Tag ulan


Tag ulan na naman at ito ang gusto kong panahon dahil mas malamig at masarap matulog (sori tamad lang). Dahil nga dalawa lang ang seasons sa Pilipinas (tag ulan at tag araw), wala akong choice kundi mamili lang sa dalawa hahaha! Natatandaan ko noong nagtrabaho ako sa call center, tuwing tatanungin ko ang mga American customers tungkol sa gusto nilang season, karamihan sa kanila ay Autumn ang gusto. Nung lumipat naman ako sa isang Korean call center, karamihan ng mga estudyanteng Koreano ay Spring ang gusto. Kung ako naman ang tatanungin nila, mas gusto ko ang tag ulan (wag lang sobrang lakas). Natatandaan ko pa nung bata ako (flashback na naman) marami kaming nagagawa ng mga pinsan at kapatid ko kapag umuulan, kalimitan kaming nasa bahay ng lola namin dahil mas Masaya doon (KJ kasi ang tatay ko). Dahil nga hindi kami makalabas ng bahay kapag tag ulan, humahanap kami ng mganda at nakalilibang na mga Gawain. Nung bata ako, ito ang mga pangkaraniwang ginagawa naming kapag tag ulan:

1.       Naglalaro ng mga bahay kubo (nagkakabit ng mga kumot sa mga dingding at gagawing bubong)
2.       Naglalaro ng taguan at habulan
3.       Nanunuod ng telebisyon
4.       Nagkakantahan
5.       Nagkukwentuhan ng kababalaghan
6.       Sabay sabay natutulog (kapag sobrang lakas ng ulan)
7.       Naliligo sa ulan
8.       Gumagawa ng mga bangkang papel at pinaaanod sa maliit na baha (kapag umaraw na magagalit ang mga nanay dahil maraming kalat sa harap ng bahay)
9.       Kumakain ng mainit na lugaw o champorado at tuyo

Napakasayang isip isipin ang mga gawain noong kabataan natin. Nagyon, parang hindi ko na naeenjoy ang tag ulan dahil bahay-trabaho lang ako. At hindi ko naeenjoy ang tag ulan dito sa Makati dahil matataas na gusali ang mga nakikita ko. Mas masaya sa Naic dahil mga palayan, bukis at ilog ang mga makikita at masarap maglakad lakad doon pagkatapos ng ulan.  

Photo credit: http://tissuegirl.blogspot.com/2010/01/weather-weeeee.html

No comments:

Post a Comment