Thursday, 16 December 2010

Mga Bagong Pera ng Pinoy


Opo, totoong totoo po yung mga bagong pera natin. Natatandaan ko pa nung bata pa 'ko, eto pa ang itsura ng mga pera,parang kelan lang......
 
Batang 80's po ako. Ito payung pinambibili ko ng sorbetes dati kay Mang Eddie, yung 2 pesos isang cup, piso naman sa apa. Parang nung panahon pa yata ni Marcos 'to naprint. Tapos nung panahon naman ni Cory binago nya uli ang itsura ng pera, siyempre galit galitan sya kay Pareng Makoy kaya ayun, pinalitan lahat! Eto na ngayon, ito pa rin yung ginagamit natin sa kasalukuyan.
Yung nga palang 2 hundred e pinagawa ni Ate Glo nyo.
Pero dahil nga sa dami ng mga pekeng pera na lumalabas sa circulation ngayon, nagpasya si Pnoy na palitan uli ang pera. Aba, parang mas maporma ang new look ng datung natin ngayun. Actually ngayung araw pa lang ilalabas ng Bangko Sentral yan ha, kumbaga e fresh na fresh at mainit init nyo yan mhahawakan galing sa bangko bago magPasko. Yan e kung may pera kayo sa bangko wahahaha! Eto po yon:
 
At sa lahat ng ng yan, ito pa rin ang ang masasabi ko mabuti pa talaga ang pera may tao (join pa si tita Cory) ang tao walang pera.

Images from:







3 comments:

  1. buti pa talaga ang pera may tao ha. ang tao walang pera. so sad pero totoo naman.
    galing ng designed astig lalo na ang 500

    ReplyDelete
  2. jaimee, totoo pala ang bagong pera

    ReplyDelete