Balik na naman ang mga araw na sobrang busy dahil sa aking pag aaral asa University of the Philippines Open University. Napakaraming dapat isulat, iresearch at pag isipan, 'ika nga nila, mga gawaing nakadurugo ng utak he he he.
Natatandaan ko pa noong bago pa lamang akong nag aaral sa UPOU, nagtatrabaho ko noon sa ePLDT as technical support specialist. Halos hindi na ko matulog dahil sa sobrang daming ginagawa. Biro mo ba naman, 4 by 10 ang sched ko sa ePLDT, meaning, 10 hours a day(actually mas higit pa dahil sa mga katakot takot na meetings at QA feedbacks) and 4 days a week ang banat ko. Take note, 11 pm to 9 am ang time ko dun ha (nakakauwi ng 11am na). Aba, dahil sa dami ng mga projects ko at sa hirap ng sched ko natutulog lang ako ng almost 2 to 4 hours (drain na drain). Siyempre, hila hila si girlfriend sa pagtataype ng projects ko (since wala aking laptop, poor) wehehe, ayun nagtatype kami sa computer center hangang 10:30pm. Sa awa ng Diyos, ayun natapos ko din yung first two subjects ko na maluwalhati.
Actually, sa tingin ko e mas mahirap ang online mode ng studies kaysa classroom mode. E kasi naman, you really need to be independent. Self-discipline talaga ang kaylangan para ka magwagi. Sa UP pa naman, wag ka mag expect ng madali dahil lahat dun e paghihirapan mo talaga. Eto ko ngayon, after ng tinetake ko na isang subject ngayon, isang thesis na lang at gagradweyt na. Wohoooo!
Images from:
No comments:
Post a Comment